Ex-councilor kulong sa pamemeke ng drug bust

KAKAIBA rin ang taktika ng isang konsehal sa Zamboanga del Norte para makapangupit ng  pondo ng bayan.

Imbes ghost project, isang ghost committee at pekeng drug busts ang ikinasa nito upang makapangurakot mula sa pondo ng lokal na pamahalaan, na napatunayan namang may katotohanan ng Sandiganbayan Second Division.

Dahil dito, sinentensiyahan ng anti-graft court na makulong ng anim hanggang sampung taon si Ricardo Inding, dating konsehal ng Dapitan City dahil sa paglabag sa Section 3(e) ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ang nasabing 9-pahinang desisyon ay pinonente ni Presiding Justice Edilberto Sandoval at sinang-ayunan naman nina Associate Justices Teresita Diaz-Baldos at Samuel Martires.

Pinatawan din ng multang permanenteng diskuwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno si Inding dahil sa dinugas niya mula sa pamahalaang lungsod ng Dapitan na P30,500.

Batay sa talaan, pineke umano ni Inding ang mga drug bust operation laban sa ilang pushers at users ng ipinagbabawal na gamot noong 1997. Kabilang na nga rito ang pagsasagawa ng surveillance, test-buys at buy-busts mula Enero-Agosto 1997 na naisaad sa kanyang confidential report.

Nameke pa siya ng mga dokumento upang mai-reimburse ang nasabing halaga na nagastos sa mga pekeng operasyon.

Pinalabas pa umano ni Inding na pinamumunuan niya ang committee on illegal drugs ng Sangguniang Panlungsod (SP) subalit, nadiskubre na walang ganoong komite na binuo ng SP.

Base sa records, si Inding ay chairman ng committee on tourism at miyembro rin ng committees on youth and sports development at health and sanitation.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply