Ex-Gen Matillano kinasuhan ng tax evasion

NAHAHARAP sa kasong tax evasion ang dating heneral ng Philippine National Police (PNP) dahil sa hindi paghahain ng Statements of Assets of Liabilities and Networks (SALN)  sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ang kaso laban kay ret. General Eduardo Matillano ay naisampa na ng
Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan dahil sa paglabag sa Section 8 at Section 11 ng Republic Act (RA) 6713.

Lumabas sa resolusyon na nilagdaan ni acting Ombudsman Orlando
Casimiro, walong iba’t ibang paglabag ang kinakaharap ngayon ni
Matillano sa anti-graft court.

Nabatid  sa ginawang pagsisiyasat ng Fact-Finding Investigation Bureau (FFIB) ng Ombudsman mula sa records ng Management Division ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame na hindi naghain ng taunang SALN si Matillano para sa taong 1994, 1995, 1996, 1997, 1998, 1999, 2000 at 2004.

Kaugnay nito, pinagmumulta rin ang retiradong heneral ng katulad na halaga ng kanyang isang buwang sahod.

Si Ret. General Eduardo Matillano ay dating hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Si Matillano, ang isa sa haligi ng Reform the Armed Forces Movement (RAM), ang pwersang naging bahagi sa pagpapabagsak sa diktaduryang Marcos at nagtangka ring pabagsakin ang rehimeng Cory Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply