Ex-mayor ng Sulu patay, asawa kritikal sa ambush

DEAD-ON-THE-SPOT ang dating mayor ng Maimbung, Sulu, habang kritikal namang ang misis nito, matapos na tambangan ng mga hindi pa nakikialalang salarin ngayon, Lunes, sa ulat ng pulisya.

Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ng Philippine National Police, bandang 8:15 a.m. nang isagawa ang pananambang sa bisinidad ng Zamboanga City Public Market sa may San Roque Road.

Kinilala naman ni Zamboanga City police director, Supt. Edwin de Ocampo, ang nasawi na si Engr. Najiv Maldisa, dating alkalde ng Maimbung, at ang misis nitong si Ahiba Maldisa, na kasalukuyang ino-obserbahan sa Zaec Medical Center.

Sa initial probe, lulan ang mag asawa nang kanilang service car na minamaneho ni Maldisa, pang-apat na asawa ng dating local government unit (LGU) official, nang bigla na lamang silang harangin ng dalawang “big bikes”.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, malapitan umanong binaril ng mga suspek si Najiv gamit ang kalibre .45 baril.

Naniniwala si Mrs. Maldisa na politika ang motibo sa likod ng naganap na pananambang.

Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply