Ex-Palawan gov abswelto sa Doc Gerry slay case

INABSWELTO ng Department of Justice (DOJ) si dating Palawan Gov. Joel Reyes at iba pang opisyal ng lalawigan ng Palawan sa kasong pagpaslang sa brodkaster na si Dr. Gerry Ortega.

Maliban kay Reyes, absuwelto rin sa demanda sina dating Marinduque Gov. Jose Antonio Carreon, Mayor Mario Reyes, Jr., Atty. Romeo Seratubias, dating Palawan administrator Arturo Regalado at Percival Lecias.

Sa halip, isinulong ng DOJ panel ang kasong murder laban sa mga suspek na sina Rodolfo Edrad Jr., Armando Noel, Dennis Aranas at Arwin Arandia.

Batay sa 22-pahinang resolusyon ng panel na pinamumunuan ni Assistant Senior State Prosecutor, walang “probable cause” upang litisin sa husgado ang kampo ni Reyes.

Mahina rin anila ang mga ebidensiyang inihain laban kay Reyes at mga kapwa akusado sa krimen.

Si Ortega ay binaril at napatay noong Enero 24, 2011 habang bumibili ng ukay-ukay sa Puerto Princesa City.

Samantala, nagpahayag ng pagkadismaya ang pamilya Ortega sa naging resolusyon ng DOJ.

Agad umanong maghahain ang pamilya Ortega ng motion for reconsideration bunsod ng pagkakaabswelto ng kagawaran sa dating gobernador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply