Ex-PBA Alex Crisano inireklamo

INIREKLAMO ang dating basketbolista ng Ginebra Gin Kings na si Alex Crisano dahil sa pag-atake sa isang barangay tanod.

Ayon sa nagrereklamong tanod na si Mario Bidar, sinita umano niya ang sinasakyang taxi ni Crisano sa panulukan ng EDSA at Boni Avenue sa Mandaluyong City dahil nakakasagabal ito sa trapik. Bumaba umano ang dating PBA player at pinagmumura siya at dinuro-duro siya. Nasugatan umano ang ilalim ng kanyang mata dahil tumama ang mga daliri ni Alex sa kanya.

Todo tanggi naman ang basketbolista sa akusasyon ng tanod at sinabi nitong hindi niya ito ginalaw. Maging ang driver ng taxi ay sinabing hindi sinaktan ni Crisano ang nagrereklamo.

Sumama naman nang matiwasay si Crisano sa mga pulis at nakahanda umano siyang sagutin ang kahit anong kasong isasampa sa kanya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply