Ex-PCSO Chair Morato umalma sa P4B utang

NANGGAGALAITI sa galit si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Manuel “Manoling” Morato sa balitang nagkautang ng P4 bilyon ang ahensya sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Sinabi rin ni Morato, walang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya dahil matagal na nilang naipaliwanag ang naturang isyu.

Dahil dito, hinamon ni Morato ang pamunuan ngayon ni PCSO Chair Margie Juico na kasuhan siya sa Korte Suprema upang mabigyang linaw aniya ang naturang paratang.

Una rito, inihayag ni PCSO Chairperson Margie Juico na ginamit umano ni dating Pangulong Gloria Arroyo at ng mga kaalyadong opisyal ang PCSO bilang gatasan o “milking cow” at nabaon din umano sa utang sa mga ospital sa pamamagitan ng guaranteed letter at sa ilang media groups dahil naman sa advertisements.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply