Ex-PGMA ligtas na ang kondisyon

NAGPAPAHINGA na ang dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo matapos isugod sa St. Luke’s Medical Center dahil problema sa cervical spine.

Ayon kay Camarines Sur Rep. Dato Arroyo, maging sila ay nagulat sa biglaang pag-atake ng sakit ng kanyang ina dahil regular naman siyang nagpapatingin sa doktor.

Una rito, patungo sana ang dating pangulo sa ilang appointment sa lungsod ng Quezon nang biglang makaramdam ng matinding sakit ng tiyan at iba pang bahagi ng katawan kaya kinansela na lamang ng kanyang chief of staff na si Elena Bautista-Horn ang mga dadaluhang pagtitipon.

Ayaw sanang ihayag ni Horn kung saang ospital naka-confine si Arroyo, pero mismong ang mga manggagamot na ng St. Lukes ang nagsabing magpapalabas sila ng medical bulletin kaugnay sa kalagayan ni Arroyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply