GMA no-show pa rin sa DOJ hearing

BIGO pa rin na makapaghain ng depensa si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at ang mga kapwa respondent sa pagdinig ng P536-milyon plunder case na isinampa ni dating Solicitor General Francisco Chavez.

Ang kaso ay kaugnay sa pag-divert ng pondo ng Overseas Workers Welfare Association (Owwa) para pondohan ang pamamahagi ng PhilHealth cards noong 2003-2004 o noong panahon ng elections.

Mga abogado lamang ng mga respondent ang humarap sa pagdinig.

Kinasuhan din ng plunder sina dating Executive Secretary Eduardo Ermita, ex-Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo, ex-PhilHealth president Francisco Duque III, at dating Owwa chief Virgilio Angelo.

Kabilang din sa kinasuhan sina dating Labor Secretary Patricia Sto. Tomas, kasalukuyang Labor Secretary Rosalinda Baldoz, at mga miyembro ng Owwa board of trustees na sina Gregorio Oca at Virgina Pasalo.

Nagkaroon ng mahigit sa isang oras na diskusyon ang mga kampo ng mga respondent at complainant na si Frank Chavez tungkol sa pagsusumite ng counter-affidavits ng mga mga respondent.

Mahigpit ding tinutulan ni Chavez ang manifestation ng kampo ni Arroyo na ibasura ng Ombudsman ang kasong plunder na una nang isinampa ni Chavez.

Katwiran ni Chavez, may hawak siyang investigation report ng Ombudsman tungkol sa dating kasong plunder laban kay Arroyo na nagsasabing inihinto lamang ang imvestigation pero hindi pa iyon idini-dismiss.

Kung kaya’t inihain muli ni Chavez ang reklamong plunder sa Department of Justice (DOJ).

Kinatigan ng DOJ panel ang motion for extension to submit counter-affidavit ng mga respondent at binigyan sila ng hanggang Hulyo 11 upang tuparin ang kanilang obligasyon.

Inakusahan din ni Chavez ang mga abogado ng respondents na delaying tactics lamang ang kanilang ginagawa.

Nagbabala ang panel of prosecutors na sakaling mabigo pa silang maka-comply sa hinihinging counter-affidavit, isusumite na ang kaso para sa resolusyon ng DOJ.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply