Ex-Pinoy champ trainer ni Zab Judah

NAKAHANDA na umano si IBF jr. welterweight champion Zab Judah na harapin si Amir Khan, ayon kay dating Pinoy world champion Morris East.

Naging world champ si  East nang makuha niya ang WBA jr. welterweight title sa Tokyo, Japan matapos patulugin si champion Akinobu Hiranaka noong September 9, 1992 na itinanghal na Ring Magazine’s KO of the year.

Ngayon ay trainer na si East at isa sa mga kliyente niya ay si Judah na nagsasanay sa H.I.T. Factory Gym para paghandaan si Khan na alaga naman ni Freddie Roach.

Magsasagupa ang dalawa sa susunod na buwan sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas.

“His training has been great. You know his main trainer is Pernell Whitaker, and I hold the mitts for him. Everything is going great and his conditioning is going well,” pahayag ni East sa media.

“Pernell has really helped Zab a lot. They’ve been able to combine things, offense and defense. Zab used to be more of a puncher, now with Pernell, he been able to combine being a puncher and a boxer, offense and defense.”

Naniniwala naman si Morris na mapapatumba ni Judah si Khan kung magpopokus lamang ito sa bodega.

“I watched that. Yeah, but you got to remember bro, there’s no tough guy when you get it perfectly in the mid-section,” pahayag niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply