Ex-Sulu gov kakasuhan ng Ombudsman

INIUTOS ngayon ni acting Ombudsman Orlando Casimiro ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa dating gobernador ng Sulu dahil sa mga iregularidad  sa kanyang livelihood at infrastructure projects.

Inakusahan si dating  Sulu Gov. Benjamin Loong ay ng  graft kaugnay sa pagpapatayo ng kuwestiyunableng gusali ng planta ng yelo at cassava production facility sa loob ng mismo ng kanyang coconut oil mill.

Ayon kay Casimiro, ang ice plant at cassava facility ay magkasanib na proyekto ng  Department of Agriculture (DA) regional office sa Zamboanga at ng Provincial Government ng Sulu.

Ang proyekto ay dapat umanong pamahalaan ng  Bawisan Multi-Purpose Cooperative, pero natuklasan ang mga ito ay pinamahala sa BJ Coco Oil Mill, Inc., kung saan pangulo si Loong at miyembro ng board.

Sa resolusyon ng Ombudsman, nakasaad na: “It is clearly made known that Benjamin Loong, through evident bad faith, caused undue injury to the Provincial Government of Sulu when he transferred management of the projects to his company,” pahayag ni Casimiro.

Natuklasan pa ang pagtatayo at kuntruksyon ng gusali ay ipinagkaloob sa sariling kompanya ni Loong.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply