Endangered species nakumpiska sa Pasay

SINALAKAY ng mga tauhan ng Pasay City Veterinary Office ang mga pet shop sa Cartimar sa Pasay City kung saan  nakumpiska ang iba’t ibang uri ng exotic at endangered species.

Ang Cartimar Pet Shop ay kilala sa pagbebenta ng iba’t ibang uri ng mga exotic at endangered na mga hayop na palihim na ibinebenta.

Unang tinungo ng team na pinangunahan ni Pasay City Veterinary Office chief Dr. Ronaldo Vernasor ang stall No. 4 kasunod ang stall No. 2, na nagbebenta ng mga kakaibang uri ng mga hayop.

Kabilang sa mga nakumpiska ay dalawang tanratula, 18 Tawi-Tawi brown dove, tatlong Chinese soft-shell torquise, dalawang garter snake, dalawang ring-neck parrot at mga bleeding heart dove.

Ang mga ito ay pawang walang dokumento at ang iba naman ay endangered species na ipinagbabawal ng batas na ibenta o hulihin.

Ayon kay Vernasor, tinatayang mahigit sa P100,000 ang halaga ng mga nakumpiskang exotic at endangeres species.

Dadalhin ang mga hayop sa Parks and Wild Life ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply