Falcon palabas na ng bansa

BAGAMA’T gumagalaw na palayo ng bansa ang bagyong si Falcon papuntang bansang Japan, dumoble ang bagyo kaya’t lumakas ito at nadarama na rin ang epekto nito sa Metro Manila.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Director Benitor Ramo, tatagal pa hanggang sa susunod na linggo ang mga pag-ulan sa Metro Manila.

Hanggang sa kasalukuyan bumubuhos ang mga pag-ulan sa Metro Manila kahit walang storm signal ang bagyong Falcon sa lugar.

Sa ngayon aniya’y patuloy ding naghahanap ang dalawang patrol boat sa nawawalang mga mangingisda, at ang tatlo rito’y natagpuan ng buhay at isa ang  patay.

Sinabi pa ni Ramo, libu-libong pamilya na rin ang inilikas sa Markina at dinala sa mga evacuation centers.

Bagama’t di malakas ang dalang pag-ulan ng bagyong Falcon ay napatagal ang epekto nito dahil sa nakabuntot ditong Low Pressure Area.

Sa Marikina nama’y umapaw ang ilog at umabot ang antas ng tubig nito sa critical level 16. Dahil dito’y nag-voluntary evacuation na ang mga residente na nakatira sa paligid o malapit sa ilog.

Sa ngayon ay di pa rin nagbabalik sa kani-kanilang tahanan ang mga evacuees at hihintayin muna na tuluyan nang huminto ang pag-ulan.

Sinabi din nito na handa ang bansa na tumulong sa mga karatig bansa gaya ng China na kasalukuyan ding hinagupit ng matinding bagyo.

Ang nararamdaman aniya ng bansa ay bunga ng climate change. Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan ito sa Palasyo, at sa media upang magkaroon kaagad ng karampatang press briefing hinggil sa mga pangyayari sa evacuation centers at preparasyon para sa pag-accommodate ng mga mamamayan na nangangailangan.

Tinugunan na rin ng NDRRMC ang pangngailangan ng mga residente sa South Cotabato na nakararanas ng pagbaha. Nagtulungan aniya ang national agencies at local agencies sa pagpuno ng pangangailangan ng mga mamamayan na nasa evacuations centers.

Pinasinungalingan din nito na walang natatanggap ang mga bayan sa pangangalaga ni Cotabato Mayor Japal Guiani.

Ayon sa NDRRMC binibigyan lang nito ng maayos na sistema ang pamamahagi ng mga relief goods. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply