Falcon umalis na ng bansa

MATAPOS ulanin ang Metro Manila at ilan pang parte ng bansa ng ilang araw ay umiskiyerda na ang bagyong Falcon sa teritoryo ng Pilipinas nitong Sabado ng umaga, Hunyo 25, at patungo na ng Japan.

Pero nagbabala naman agad ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang pagulan na dala ng southwest monsoon ay patuloy na mararanasan sa kabuuan ng Metro Manila.

“Nasa labas na ito (Falcon) ng Philippine area of responsibility, pero magdala pa rin kayo ng payong at panangga sa ulan,” pahayag ni PAGASA forecaster Ben Oris.

Sinabi rin nitong si Falcon ay bahagya pang lumakas at bumilis ang pagkilos habang patuloy itong lumalayo sa Philippine territory.

Sinabi rin ng PAGASA na walang inaasahan cyclone sa mga susunod na araw.

“No tropical cyclone is expected to affect the Philippine area of responsibility in a week but a low-pressure area is expected,” pahayag ng PAGASA.

Sa advisory ng PAGASA bandang alas-4:00 ng medaling araw ay huling namataan ang bagyong Falcon sa layong 590 km hilagang silangan ng Basco, Batanes, at nagtataglay ito ng maximum sustained wind na 105 kph malapit sa sentro at pagbugso ng hangin na aabot sa 135 kph.

Ito ay kumikilos hilaga, hilagang-kanluran sa bilis na 24 kph at inaasahan itong nasa 680 km hilaga, hilagang-silangan ng Basco, Batanes o nasa 320 km kanluran, hilagang-kanluran ng Okinawa, Japan.

Ayon naman sa 5 a.m. bulletin ng PAGASA, may indikasyon na posibleng magkaroon ng flashflood sa Northern at Central Luzon.

“Northern and Central Luzon will experience monsoon rains which may trigger flashfloods and landslides while the Southern Tagalog Region will have cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms,” pahayag pa ng Pagasa. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply