FCA, Pharex pasok sa quarterfinals

ISUSUNOD ng Pharex Bidang Generics ang PC Guilmore makaraang malusutan ang Cobra Energy Drink Iromen, 96-66 samantalang tinabunan ng FCA Cultivators ang RnW Pacific Pipes, 65-61, sa pagsukbit sa nalalabing dalawang quarterfinal slots sa PBA D-Leauge Foundation Cup.

Maghaharap ang Pharex at ang PC Guilmore na susundan ng engkwentro ng Freego Jeans at Cebuana Lhuillier Gems bukas ng hapon, Hunyo 2, sa The Arena sa San Juan City.

Naghabol muna sa 13-puntos na pagkakalubak ang Cultivators ni coach Arsemio Dysangco bago nakadikit sa sigasig nina Alex Mallari na punmuntos ng 12, Raffy Reyes na bumuslo ng 11 at siyam na puntos ni Richard Cole.

Sa pagkakapanalo ng Cultivators masasabak sila sa Group A topnotcher sa quarterfinals. Samantala, sa panalo ng Pharex Bidang Generic sa pagkakahablot nila ng huling slot susubok na man sila laban sa PC Guilmore ngayong hapon, Hunyo 1.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply