Lalaking fetus natagpuan sa Sta. Mesa

ISANG lalaking fetus ang natagpuan kaninang umaga (Hunyo 5) sa isang bahay malapit sa barangay hall ng Brgy. 613 Zone 61, Dist.VI, 2nd St. Mag Villamor St., Bacood Sta. Mesa, Maynila .

Tinatayang nasa lima hanggang anim na buwan-gulang pa lamang ang nasabing fetus.

Ayon kay PO2  Ramoncito Tolentino, ng MPD-Homicide Section, dakong 8:15 ng umaga nang makita ng isang Charliemar Benjamin, 37, basurero, ng 3601 Interior 10-A Cordillera St., Sta. Mesa ang isang kulay dilaw na plastic container na may tatak na Rebisco biscuit.

Binuksan ito ni Benjamin dahil sa pag-aakalang mapapakinabangan nito ang laman ngunit nagulat siya nang tumambad sa kanya ang isang lalaking fetus na lalaki.

Agad niyang ipnagbigay-alam kay Chairman Edna Lamug ng nabanggit na barangay na siyang nagreport naman sa pulisya.

Dinala sa Universal Funeral Parlor ang naturang fetus para sa safekeeping.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply