Fetus sa garapon lumutang sa Navotas

ISANG fetus na isinilid sa garapon ang nakitang palutang-lutang sa baha na basta na lamang iniwan sa kalsada sa Navotas, Biyernes ng umaga.

Tinatayang nasa 5 hanggang 6 na buwan ang fetus na babae na dinala na sa sementeryo upang mailibing.

Sa ulat, dakong 9:50 ng umaga nang makita ang fetus sa C-3 rd., Virgo Drive, North Bay Boulevard South, nasabing lungsod.

Isang residente ng lugar ang naglalakad at napansin ang isang garapon sa gilid ng kalsada.

Nang tingnan ay laking gulat nang makita na fetus ang laman na naging dahilan upang sabihin sa mga pulis.

Inaalam na ng kung sino ang nagtapon ng fetus.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply