Fifth Grand Slam target ng Tropang Texters

KASUNOD ng pananagumpay sa PBA Commissioner’s Cup, puntirya naman ngayon ng Talk N Text na maisukbit ang panalo kontra sa Alaska Aces, ang tanging team na may tangan ng Grand Slam Record, sa buena-manong laro kapwa nila mamang gabi sa Araneta Coliseum.

Ang banggaang Tropang Texters at Alaska Aces ay kasunod ng pagtatala ng Rain or Shine ElastoPainters sa unang panalo nila na naghahangad na mapangunahan naman ang kalabang Air21 Express ngayong gabi.

Agn atensyon ng PBA aficionados ay nakatuon sa bagong Texters import na si Maurice Baker, isa sa apat na 6’2″ player sa liga at sa nagbabalik na import na si Jason Forte na gagabay sa Alaska Aces.

Tangan ni Baker ang 10.1 average points, 5 boards at 4.9 assists sa 25 na paglalaro niya sa Dakota Wizards ng NBA Developmental League.

Si Forte naman, na naglaro sa Ex Romanian Cup Final 4, at tinanghal na Most Valuable Player, ay isa lang sa mga nagbalik import na naglaro sa huling torneo noong 2010 season.

Samantala, muling sasanib sa team ni Coach Chot Reyes sina Jimmy Alapag at Kerry Williams matapos magpaalam sa national team na Smart Gilas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply