FilOil final 4 duwelo bukas

IDARAOS ang knockout semifinals games bukas, Biyernes sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City ng mga nagtutunggalian sa final 4.

Ang apat na maglalaban sa final 4 ay ang three time UAAP champion Ateneo Blue Eagles, Far Eastern University Tamaraws, Adamson University Falcons at ang nagdedepensang champion ng National Collegiate Athletic Association San Beda Red Lions.

Ang Blue Eagles na nagpabagsak sa Mapua Cardinals, 63-56 ay makakaharap ng Far Eastern University Tamaraws na tangan ang malinis na record kasunod ng pagsuwag sa La Salle Archers 73-68.

Ang isa pang laro ay sa pagitan ng San Beda Red Lions na unang dumurog sa University of the Philippines Fighting Maroons sa iskor na 97-68 na makakaharap ng Adamson Falcons na gumawa ng malaking upset sa San Sebastian College Stags sa iskor na 90-86.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply