Final report sa Vizconde massacre reinvestigation ilalabas na

ILALABAS na ng Department of Justice (DOJ) ang final report sa Vizconde massacre reinvestigation sa Hunyo 28, Martes.

Sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima na matapos ang pulong sa National Bureau of Investigation (NBI), maaari nang  malaman sa Martes ng umaga ang resulta ng reinvestigation.

Tumanggi ring magkomento ang kalihim kung si Hubert Webb at pitong iba pa na unang inakasuhan ay ikinukonsidera pa ring mga suspek.

Ang kinumpirma lamang ng kalihim ay may bagong dalawang suspek na natukoy ngunit hindi rin muna pinangalanan.

Una nang sinabi ni De Lima nitong nakaraang mga araw na magkikita sila ng mga bagong  testigo sa isinasagawang reinvestigation ng DOJ sa Vizconde case bago magpalabas ng report para sa panibagong kasong isasampa sa susunod na linggo.

Kailangan pa umanong idaan sa clarificatory questions ang mga testigo sa kanilang huling meeting ngayong araw makaraang atasan ang NBI na ipatawag ang lahat ng testigo at iba pang posibleng suspek.

Isang itinuturing na bagong credible witness aniya ang nakapasa sa lie detector test na nagturo ng bagong mga suspek.

Magkaka-ugnay umano ang mga sinabi ng naunang mga testigo na idinaan sa polygraph test sa testimonya ng bagong testigo.

Umaasa si De Lima na makukumpleto nila ang imbestigasyon bago ang Hunyo 29, bago pa sumapit ang prescribed period ng kaso na hanggang 20 taon lamang.

Hina-hunting na rin umano ang mga bagong grupo ng suspek subalit hindi umano lahat ng convicted sa nasabing krimen ay lusot na.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply