‘Finance Officer’ ng JI natimbog sa Davao

ISANG dayuhan na pinaghihinalaang ‘finance officer’ ng teroristang grupong Jemaah Islamiyah (JI) ang natimbog ng mga operatiba ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Immigration (BI) at Philippine Navy sa lalawigan ng Davao del Sur kamakailan.

Sa ipinalabas na kalatas ng kawanihan, kinilala ang dayuhan na si Abdul Aziz Usman, alyas “Aziz Bin Othman”, 50, ng bansang Malaysia.

Ayon kay BI Commissioner Ricardo David, Jr., si Usman ay nadakip noong Mayo 28 nang pinagsanib na elemento ng BI Mindanao intelligence unit at Navy intelligence command sa Barangay Inawayan, Sta. Cruz, Davao del Sur.

Bukod kay Usman, nahuli rin si Omar Abu, umano’y alalay ng una at isa ring Malaysian national, dahil hindi ito nakakapagsalita ng wikang Tagalog o anuman lokal na dialetiko.

Sinabi pa ni David na ang pagkakaaresto sa dalawang dayuhan ay bunga ng pinaigting na paninitik ng mga awtoridad sa gawain ng mga ito sa hilagang bahagi ng bansa.

Aniya, walang maipakitang travel documents si Usman at nahaharap ito sa pagpapatalsik sa bansa bilang isang undocumented alien.

Gayunpaman, isasailalim muna si Usman sa tactical interrogation ng mga awtoridad bago simulan ng kawanihan ang pagsasagawa ng summary deportation proceeding.

Sinabi naman ni Atty. Maria Antonette Mangrobang, hepe ng BI intelligence division, na inirereklamo rin si Usman ng pagpupuslit ng mga kababaihan sa bansang Malaysia kung saan ipinapasok ang mga ito sa prostitusyon at white slavery.

Batay sa ulat, nahuli sina Usman habang ikinakasal ito sa isang Pilipina sa loob ng isang mosque sa nasabing lalawigan.

 

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply