Financier ng smuggled black corals ipinaaresto

IPINAARESTO ni Senate President Juan Ponce Enrile ang mag-asawang hinihinalang financier at mastermind ng ilegal na pagpupuslit ng black coral at iba pang endangered at rare shells mula sa karagatan ng Sulu sea.

Iniulat ni Sen. Juan Miguel Zubiri na inaprubahan ni Enrile ang kahilingan ng Senate committee on environment and natural resources na ipaaresto sina Olivia Li Lim at Joe Pring, may-ari ng Li Lim Trading Company na nakabase sa Zamboanga City na nagpuslit ng black coral kamakailan.

“After our caucus, the members of the committee has approved to cite Ms. Olivia Li Lim and her husband, a certain Joe Pring in contempt for continuously ignoring our invitations and subpoenas for their appearance before the committee,” ayon kay Zubiri.

Nagpadala rin ng subpoena ang Senado sa dalawang state prosecutor sa Zamboanga City matapos mabigong kasuhan at litisin sina Lim at Pring na nauna nang nahulihan ng illegal black coral at nakasuhan, limang taon na ang nakararaan.

Iniimbestigahan ng Senado ang malawakang paninira ng coral reef sa karagatan ng Moro Gulp at Sulu sea matapos madakip nitong nakaraang buwan ang dalawang 20 footer na container sa South Harbor na naglalaman ng milyong halaga ng black coral, stuffed turtles at iba pang endangered and rare shells.

Matapos ang isinagawang pulong ng komite, kaagad dinala ang nilagdaang resolusyon ng komite kay Enrile na naging hudyat upang magpalabas ng warrant of arrest laban kina Lim at Pring.

Kinilala sina Lim at Pring bilang may-ari ng Li Lim Trading Company na nakatalang shipper sa nakumpiskang kontrabando kay Exequiel Navarro, ang consignee ng illegal black coral na nakumpiska kamakailan sa Eva Macapagal Domestic Port, Pier 18, South Harbor, Maynila kamakailan.

Maliban kina Lim at Pring, nagpalabas din ng subpoena ang Senado kina Special Prosecutor Faustino Bernabe at Special Prosecutor Alfredo Jimenez Jr, na nakabase sa Zamboanga City matapos silang mabigong litisin sina Lim at Pring na nakasuhan limang taon na ang nakalilipas hinggil sa illegal na pagpupuslit ng black coral.

“How come they cannot prosecute these people for five years? How come that the case filed against these people is still under preliminary investigation. What cause the delay? Tanong ni Zubiri.

Bukod sa dalawang prosecutor, pinadalhan din ng subpoena sina  Benny Yu at Rosario YU, kinilalang may-ari ng Yuscom Corporation na ginawang bodega ng mag-asawang Lim at Print sa kanilang illegal trading ng black coral.

Sa bodega ng magkapatid na Yu nakumpiska ng awtoridad ang milyong halaga ng black coral at iba pang marine resources limang taon na ang nakalilipas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply