Fish cages sa Batangas ipinababaklas

BILANG na ang araw ng mga iligal na fish cages partikular sa Batangas kung saan nagsimula ang fish kill dahil nakatakda itong buwagin ng PNP at DILG ayon na rin sa utos ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na  marami sa fish cages ay salungat sa regulasyon na pag-aari ng mga abusadong mangingisda.

Aniya, ilan sa mga nakitang paglabag ang double-deck na fish cages kaya hindi na umano makahinga ang mga isda.

Ang batayan ng mga gagawing pagsira sa fish cages ay base sa impormasyong ibibigay ng DENR.

Samantala, simula kanina ay hinigpitan na ng PNP ang checkpoint sa mga papasok sa Metro Manila laban sa mga isdang biktima ng fish kill.

Pinaalalahanan din nito ang mga mamimili na maging maingat at mabusisi para maiwasang makabili ng “botcha” o double dead na isda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply