Fish cages sa Batangas giniba na ng BFAR

TULUYAN nang giniba ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang 405 iligal na fish cage sa lalawigan ng Batangas.

Sinabi ni BFAR Director Asis Perez na kailangan nang sirain ang mga ito para tumaas ang level ng oxygen sa naturang lugar.

Nabatid na marami sa kanilang sinirang fish cages ay sa mga bayan ng Laurel at Agoncillo.

Ang mga istrakturang kung saan nakakulong ang sobra-sobrang bilang ng mga isda umano ang naging sanhi ng pagbaba ng oxygen ng tubig.

Matatandaang umabot ng 600 kilo ng bangus ang lumutang at nangamatay sa naturang lugar kamakailan, bukod pa sa nangamatay na tone-toneladang bangus noong nakaraang linggo sa Batangas.

Pinayuhan naman ni Perez ang mga may-ari ng mga legal na fish cages na bawasan ang populasyo ng kanilang mga palaisdaan para hindi ito salantain ng fish kill.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply