Fish cages sa Vigan nadale ng fish kill

MATAPOS madale ng fish kill ang ilang fish cages sa Batangas at Pangasinan ay sa lungsod naman ng Vigan ang tinamaan ngayon matapos na magkandamatay ang libu-libong isdang tilapia.

Nabatid na may 20 fish cages ang naapektuhan ng fish kill sa Barangay Tamag sa lungsod ng Vigan.

Sinabi ni Narding Lacaden, isa sa may-ari ng fish cage na pawang mga malalaking isda lamang ang nangamatay.

Posible umanong dahil sa green algae ang pinagmulan ng toxic sa tubig na siyang dahilan ng pagkamatay ng mga isdang tilapia.

Gayunman, inaalam pa rin kung bakit tanging ang malalaking isda lamang ang nangamatay habang ligtas naman ang maliit na tilapia

Nanganganib namang maapetuhan ang 80 pang fish cages na natitira na nakahilera sa bahagi ng ilog ng Tamag.

Ang mga tilapiyang nangamatay ay ibinaon na sa lupa upang hindi na makain pa ng mga tao at hindi makapagdulot ng pagkalason.

Nabatid na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa P10,000 ang isdang napinsala.

Kamakailan lamang ay nagkaroon din ng fish kill sa karatig lalawigan ng Vigan kung saan nalugi ang mga mangingisda at operators sa Barangay Don Lorenzo, Caoayan.

Dahil dito,mahigpit na binabantayan ng mga fish cage operators maging ang mga mangingisda sa posibleng pagkamatay muli ng kanilang mga inaalagang mga isda partikular na ang tilapia. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply