Fish kill nagpapatuloy pa rin sa Vigan

PATULOY na umaatake ang fish kill sa ilang mga fish cages sa Brgy. Tamag, Vigan City kung saan nagsisilutangan pa rin ang mga tilapia.

Kinumpirma ng isang fishcage owner na si Narding Lacaden na ang maliliit na tilapia na lang ang naiwan at namatay na ang mga malalaking isda na pwede na sanang ibenta.

Kaugnay nito, nababahala rin ang iba pang fish cage owners, dahil posibleng lumulutang na rin ang mga alaga nilang tilapia.

Samantala, inilibing na ang mga nangamatay na isda dahil sa pag-amoy na ng mga ito.

Kumpiyansa naman ang mga may-ari ng fish cage na hindi sila pababayaan ni Vigan City Mayor Eva Marie Singson-Medina at inaasahan nilang tutulungan sila nito na makabangon muli sa kanilang pangkabuhayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply