Fish pen babawasan sa Taal Lake – DA

BABAWASAN ng Department of Agriculture (DA) ang mga fish pen sa Taal Lake sa Batangas upang hindi na maulit ang naganap na fishkill doon.

Kasabay nito nagsagawa na ng “clearing operations” ang DA sa ilang fish cages sa Taal Lake.

Aalisin ang 1000 fish pen para umakma ang “carrying capacity” ng lawa na hanggang 6, 000 lamang. Sa ngayon ay may 7, 000 cages na nakatayo sa lugar mula sa dating 14, 000.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, ang clearing operations ay bahagi ng kanilang hakbang na maiwasang maulit ang “fishkill.”

Kaugnay nito, tiniyak naman ng DA sa publiko na ligtas nang kumain ng bangus o tilapia.

Samantala, dalawang anggulo ang ikinukonsidera ng mga awtoridad kung bakit napuruhan nang husto ang Batangas fish industry, ang una ay ang kawalan ng oxygen at ang pagiging gahaman ng mga negosyante dahil sobra-sobrang fish cages ang itinayo nila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply