Fishing vessel na may 3 tripulante nawawala

ISANG fishing vessel na may tatlong tripulante ang nawawala sa karagatang sakop ng Limay Bataan sa kasagsagan ng pananalasa ng topical storm Egay sa hilagang bahagi ng Luzon.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agri,ero Cruz Jr, bandang alas-7:30 ng Sabado ng hapon, Hubyo 18, ay humingi ng tulong ang may-ari ng nawawalang F/B Arvin Jay sa Bataan Police Regional Office para sa paghahanap ng nasabing sasakyang dagat.

Sa impormasyong ibinigay ni Mrs. Darlina Ramirez, umalis ang F/B Arvin Jay na may tatlong pasahero bandang alas-6:00 ng umaga sa St Francis 2.

Subalit makalipas ang ilang oras ay hindi pa ito bumabalik at hanggang sa ngayonay hindi pa rin ito ma-locate. Verlin Ruiz

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply