Fishkill isinisi ng DENR sa pen owners

SINISI ni Environment Secretary Ramon Paje ang pagkakaroon ng fishkill sa pagmamalabis ng mga fish pen owner.

Ani Paje, sumobra sila sa bilang ng isdang dapat ilagay sa lawa o palaisdaan kaya nagkamatay ang kanilang mga alaga.

Aniya, bukod sa polusyon na nakauubos ng oxygen sa tubig, doble sa bilang ng dapat palakihing bangus ang inaalagaan ng mga pen owners.

Inamin niyang hindi kayang bilangin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung ilan ang fingerlings o semilyang hinuhulog ng mga pen owner sa lawa dahil napakahirap nito.

Kung maliliit pa umano ang isda ay hindi gaanong naaapektyhan ang mga ito ng kakapusan ng oxygen, ngunit kapag lumaki na at nagpabago-bago pa ang temperatura ng tubig, natural lamang na mamatay ang mga isda.

Ang fishkill ay resulta ng natural at/o gawa ng tao. Kasama rito ang kakapusan ng oxygen sa tubig dahil sa tagtuyot, pagdami ng lumot, overpopulation o pagtaas ng temperatura sa tubig at polusyon.

Sa mga lawa, isang natural phenomenon na kilala bilang water overturn dahil sa pagbabago ng panahon o climate change – ay nagiging sanhi rin ng fishkill.

Sa Taal Lake, sinabi ng DENR na ang dahilan ng pagkamatay ng mga isda ay ang mga sunusunod: 1. natural – kawalan ng oxygen sa tubig dahil sa pagtaas ng temperatura dahil sa Taal Volcano; 2. kagagawan ng tao  – nawalan ng oxygen ang tubig dahil sa paglabag sa prescribed Code of Practice for Aquaculture and local government ordinances on proper fish cage management ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resoutces (BFAR).

Napag-alamang ito ang mas naging sanhi ng fishkills kaysa natural causes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply