Fishkill: Paano rin ang mga alimango, halaan, kabibe?

HABANG lumuluwa ang lawa ng Taal, Batangas at dagat ng Anda, Pangasinan ng mga patay na bangus, naiisip natin ang iba pang mga nabubuhay sa nasabing mga lawa at dagat.

Ngayon nga ay may mga ulat nang pati biya, tilapia, hipon at iba pang laman ng lawa ng Taal ay nadadamay na rin sa fishkill.

Sa Pangasinan kaya?

Eh ang lawa ng Laguna, susunod naman kaya na magkakaroon ng fishkill?

Paano rin ang mga kabibe, halaan, alimango at iba pang lamang lawa o dagat na nasa nasabing mga lugar?

oOo

Napakahirap imadyinin, Suki, ang kalagayan ng libo-libong pamilyang nabubuhay sa mga lawa at dagat na yan. Halimbawa ang mga mangingisda, taga-biyahe at dealer ng mga isda.

Sa palagay ninyo, gaano ba katagal ang kanilang paghihirap at kagutuman?

Heto ang kabilang sa ating mga iisipin.

Ang pagtatanim lang ng fingerlings ng bangus hanggang sa anihan ng mga ito ay inaabot ng anim na buwan.

Derpor, anim na buwan ang paghihirap ng mga lubos na nakadepende sa industriya ng bangus.

Eh iba ang pangyayari.

Kailangan pang ibalik ang normal na kalagayan ng mga lawa at dagat.

Gaano ba katagal bago maging normal ang buhay ng dagat, huh?

Isang taon, dalawang taon?

oOo

Dito natin naiisip kung ano-ano na ang ginagawa ng mga lokal at nasyonal na pamahalaan para masagip sa sobrang paghihirap at kagutuman nang mga biktima ng fishkill.

Ang nag-aaral nilang mga anak na maaaring huminto sa pagpasok sa iskul, ang mga magkakasakit, ang  mga puputulan ng kuryente at tubig.

Paano ang pagkain ng mga pamilya?

O PNoy at Manang Dinky, hindi biro-biro ang kalamidad na ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply