Fishkill sa Talisay nagdudulot na ng sakit

NAGDUDULOT na ng sakit sa mga ilang residente ng Talisay sa Batangas ang masangsang na amoy ng nabubulok na isda na apektado ng fishkill sa Taal Lake.

Nabatid na karamihan sa biktima ay mga bata kung saan nakakaranas ang mga ito ng pangangati ng balat, sakit sa tiyan at diarrhea bunsod ng masamang amoy dulot ng fishkill.

Ipinahayag naman ni Talisay Mayor Zenaida Mendoza na natigil na rin ang fishkill sa kanilang lugar habang patuloy naman na nililinis ang mga fish cages na naapektuhan ng kalamidad.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply