Flour millers ire-regulate ang presyo ng harina

SA KABILA ng paghampas ng presyo ng petrolyo at iba pang pangunahing bilihan, sisikapin naman ng Philippine Association of Flour Millers (PAFMIL) na mapanatiling mababa ang presyo ng harina sa bansa.

Tiniyak ito ni PAFMIL Executive Director Ric Pinca sa publiko at ipinangako nito na pananatilihin nila ang P900 kada sako nito sa mga factory.

Ayon pa kay Pinca, tiyak din naman na wala ng bibili ng harina sa oras na tumaas ang presyo nito dahil paniguradong maapektuhan ang benta ng mga flour millers.

Paliwanag ni Pinca, hindi lang ang Pilipinas ang apektado sa pagtataas ng presyo ng harina. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply