Flying V Hanes final 4; Tamarawas, Blue Eagles, Red Lions at Falcons

MAGSISIMULA na sa Biyernes, Hunyo 10 ang salpukan ng apat ns semifinalist ng FilOil Flying V HAnes Pre-Season Premier Cup kasunod ng pagkakakumpleto ng apat kasunod ng panalo nila sa huli nilang laro sa elimination Lunes ng hapon, Hunyo 6.

Maghaharap sa unang set ng laro ang San Beda Red Lions at ang Adamson University Falcons alas-dos ng hapon na susundan ng rematch ng 2010 UAAP finalists na Ateneo Blue Eagles at Far Eastern University Tamaraws sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Nilupig ng Tamaraws ang Green Archer, 73-65, sa 30 points output ni UAAP season 2010 most valuable player na si RR Garcia na nagpanatili sa malinis na rekord ng Morayta based-dribblers ni coach Bert Flores.

Pinalagapak ng San BEda Red Lions ang University of the Philippines Fighting MAroons, 97-68, habang lumuhod ang Mapua Cardinals sa Ateneo Blue Eagles sa 56-63.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply