FOI Bill malabo pa ring maipasa

MALAKING kabiguan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa unang taon ng kanyang panunungkulan ang pagbale-wala na gawing prayoridad ang Freedom of Information (FOI) Bill.

Ani Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, mula nang naluklok sa Malakanyang si Pangulong Aquino ay ipinapanawagan na ng dalawang Kapulungan ng Kongreso na gawing “urgent” ang FOI Bill.

Sinabi ni Casiño, pangunahing may-akda ng FOI Bill sa Kamara de Representantes, ang pamahalaang pinipigilan ang isang panukalang batas tulad ng FOI Bill ay ayaw magkaroon ng transparency at accountability.

Aniya, kung gusto naman ng Pangulo na makalusot sa mga kapalpakan nito, gagawa ito ng paraan tulad ng pakikipagsabwatan sa mga kaalyado nito sa Kongreso na pigilan ang panukala.

Kinuwestiyon din ni Casiño ang kagustuhan ng Palasyo na irebisa at pagaanin ang bersyon ng FOI Bill para pahintulutan ang mga opisyal ng gobyerno na itago ang mga kritikal na impormasyon mula sa publiko.

Sa may 170 prayoridad na panukala sa Mababang Kapulungan, ang FOI Bill ay nasa pang-71 at nananatiling nakabinbin sa House commitee on public institutions.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply