Food poisoning victims sa Bulacan umabot na sa 200

UMABOT na sa 200 ang bilang ng mga nalason ng pinaniniwalaang panis na spaghetti sa Calumpit, Bulacan.

Dahil dito, inatasan ngayon, Martes, ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) administrator Benito Ramos ang kanilang mga tauhan na magsagawa pa ng mas malalimang pagsusuri sa isyu ng naturang food poisoning.

Pahayag ni Ramos, hindi siya naniniwalang spaghetti lamang ang ugat ng pagkakasakit ng napakaraming biktima dahil maging ang mga hindi nakakain ng itinuturong kontaminadong pagkain ay sumakit din ang tiyan.

Kaugnay nito, hindi pinayagan ang ibang bisita na inumin ang tubig at kainin ang natirang pagkain sa birthday party upang makaiwas sa posibilidad ng pagkalason

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply