Forced blackout sa Crame ipatutupad

MATAPOS ipagbawal ang pagpe-facebook sa mga pulis sa Kampo Crame sa oras ng trabaho, plano rin ng Headquarters Support Service na magpatupad ng forced blackout o sapilitang pagpatay sa suplay ng kuryente sa buong kampo.

Ayon kay Chief Superintendent James Andres Melad, director ng HSS ng PNP, inirerekomenda nilang ipatupad ang forced blackout kada-Martes at Huwebes mula alas-12:00 ng tanghali hanggang ala-5:00 ng hapon kasabay ng athletics ng mga pulis sa Kampo Crame.

Iginiit ni Melad na sa ganitong pagkakataon, mapipilitan ang mga pulis at civilian employees na wala namang importanteng trabahong maiiwan na lumabas para mag-ehersisyo.

Sakaling maipatupad ang programa sa Hulyo, hindi lahat ng opisina sa Kampo Crame ang aalisan ng kuryente tulad ng national headquarters at PNP General Hospital.

Pinaplantsa na ng PNP ang programa para makatipid sa gastos sa kuryente ang PNP matapos madagdagan ng P1 milyon at umabot sa mahigit P5 milyon ang electric bill nila.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply