Freeze order sa ari-arian ng Ampatuans iniutos

UMAASA ang kampo ng ilan sa mga kaanak ng mga biktima ng Maguindanao Massacre na hindi pa huli ang ginawang pagsasailalim sa freeze order sa mga account at asset ng pamilya Ampatuan.

Ayon kay Atty. Harry Roque, nailabas ang nasabing kautusan isa’t kalahating taon matapos ang karumal-dumal na pagpatay sa 57 katao kabilang na ang 32 mamamahayag noong Nobyembre, 2009 at anim na buwan naman makalipas hilingin ng kanyang mga kliyente ang pagpapalabas ng freeze order.

Sa isang mensahe, tinukoy pa ni Roque na umaasa silang may mga karagdagan pang mga asset ng mga Ampatuan ang susunod na pipigilin ng korte.

Una nang nagpalabas ng freeze order ang Court of Appeals sa mga account at ari-arian ng pamilya Ampatuan matapos makitaan ng probable cause ang petisyon ng Anti Money Laundering Council o AMLC dahil sa hinalang nagamit ang nasabing mga pondo sa mga iligal na aktibidad gaya ng pagkamal sa kaban ng bayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply