Gabinete ni PNoy na sangkot sa katiwalian, kasuhan!

HINAMON ng liderato ng Kamara ang minorya na magsampa ng kaso sa Ombudsman laban sa mga gabinete ni Pangulong Aquino na sa tingin nila ay nasasangkot sa mga katiwalian.

Sa isang press conference, inudyukan nina House Speaker Feliciano Belmonte at Majority Leader Neptali “Boyet” Gonzales ang oposisyon na huwag nang gamitin pa ang Kamara de Representantes sa pamamagitan ng imbestigasyon upang makapangalap ng ebidensya.

“If they really feel na talagang may violations ng graft and corruption then the proper venue is not the House of Representatives because kung meron kang mga ebidensya laban sa mga taong ito na gumagawa ng korapsyon then I challenge them to file the necessary complaint before the Omnbudsman because that’s the proper venue,” hamon ni Gonzales.

Aniya, mukhang media coverage lamang ang habol ng oposisyon sa patuloy na panunuligsa laban sa umano’y mga palpak na gabinete at appointeed officials ni PNOY na may tatlong K, kaklase, kaibigan at kabarilan.

“Ang nayayari rito ay media opportunity lang para ma-cover nang live. Kung may ebidensya i-file mo na kaagad.  What’s keeping you from filing a necessary charges if you do believe that you have the right evidence?” tanong pa ni Gonzales.

Sinang-ayunan naman ito ni Belmonte sa pagsasabing “I’m just more polite.  Ang gusto yata ay maglagay ng isa pang k- kalaban.  Even in the cases that they are fighting ay naimbestiga na,” ayon kay Belmonte.

Ang Minorya ay nagbantang paiigtingin ang anti-cronies watch sa pamamagitan ng paghahain ng mga resolusyon na magsusulong ng pagsisiyasat ng Kamara.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply