Gadhafi kapit-tuko pa rin sa puwesto

NAGPAHAYAG si Libyan ruler Muammar Gadhafi na hindi siya kailanman bababa sa puwesto at hindi siya aalis sa kanyang bansa.

Napag-alaman na pumunta si South African President Jacob Zuma para ilatag ang “African roadmap” upang matapos na ang kaguluhan sa Libya. Ayon kay Zuma, sinabi ni Col. Gadhafi na hindi ito aalis sa bansa.

Nagbabala naman ang United Nations (U.N.) na baka maubusan ng pagkain ang bansa sakaling magmatigas pa ang lider na bumaba sa puwesto. Mga ilang linggo na lang umano ang itatagal ng pagkain sa bansa ayon kay Panos Moumtzis, ang U.N. humanitarian coordinator sa bansa.

“I don’t think there’s any famine, malnutrition, but the longer the conflict lasts the more the food stocks supplies are going to be depleted, and it’s a matter of weeks before the country reaches a critical situation,” pahayag ni Moumtzis.

Samantala, nagkaroon ng malaking kilos protesta laban sa pamamahala ni Gadhafi sa Libya. Ito ang pinakamalaking pagtitipon na nabuo mula ng salakayin ng security forces ang isang pagtitipon noong Pebrero nitong taon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply