Gag order vs gov’t officials na magsasalita hinggil sa Spratlys

GAG  ORDER para sa lahat ng opisyal ng gobyerno upang hindi na magsalita pa kaugnay sa usapin ng Spratlys.

Ito naman ang matinding panawagan ni Bagong Henerasyon Partylsit Rep. Bernadette Herrera-Dy kay Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa tumitinding usapin sa Spratly Islands.

Ani Herrera-Dy, marapat lamang na ibaubaya muna kay  Pangulong Aquino ang maayos na pagresolba at tamang pakikipag-ugnay sa gobyerno ng Tsina kaugnay sa sensitibong agawan ng nabanggit na teritoryo.

Naniniwala ang mambabatas na diplomasya ang dapat na mamayani sa usaping ito sa pangunguna ng  Pangulo at ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang panawagan ng “gag order” ni Herrera-Dy ay kasunod ng samu’t saring reaksyon ng mga political leader sa bansa na nakikisawsaw sa isyu na hindi aniya nakatutulong kundi nakakadagdag pa ng tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply