Gamboa hinubaran ng korona

MALABO na umanong makaharap ni Nonito Donaire, Jr. si unbeaten featherweight Yuriorkis Gamboa dahil hindi na kinilala ng WBA ang huli bilang unified 126lb champion.

Ayon sa mga sports analysts, si Gamboa ang isa sa mga matitibay sa featherweight na maaaring makaharap ni Donaire sa oras na magpasya itong umakyat ng timbang mula sa bantamweight subalit malayo na umano ang posibilidad na magkaharap ang dalawa.

Nagpasya kasi ang WBA world championship Committee na bakantehin na lamang ang championship crown dahil sa paglabag ni Gamboa sa mga alituntunin ng asosasyon.

Ayon sa ulat, dapat ay pumayag si Gamboa ay idepensa ang korona niyang IBF kay Jorge Solis at nang hindit ito pumayag ay agad na binakante ang belt.

Nasa ikalawang puwesto si Gamboa sa May rankings ng WBA kung saan nasa unang listahan si Celestino Caballero.

Samantala, itinanghal na ng WBA news si Andre Ward bilang boxer of the month matapos gibain si Arthur Abraham habang si Interim bantamweight titleholder Hugo Ruiz ay nakatanggap din ng pagkilala nang matagumpay na madepensahan ang korona niya kay Francisco Arce.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply