Garment factory kinasuhan ng smuggling

SINAMPAHAN na ng Bureau of Customs ng ilang ulit na kaso ng smuggling ang  operator ng isang common bonded manufacturing warehouse na nag-angkat ng mga tela, sinulid at garment accessories na nagkakahalaga ng P272 milyon.

Kinasuhan ng smuggling si Angelito Perez, general manager ng Filipino Hand Common Bonded Corporation (FILHAND) na matatagpuan sa Bgy. Sto. Tomas, Sta. Maria Bulacan. Kabilang din sa kaso ang mga opisyal ng apat na miyembro nitong mga kumpanya, si Francisco Aniag, pangulo ng Sports and Swimwear Manufacturing Inc.; Sufronio de Luna, kinatawan ng nabanggit na kumpanya; Rowena Viray, pangulo ng Southrn Atlantic; si Juvy Estrada; kinatawan ng Square Gem Manufacturing at Jerry Accad, kinatawan ng JDAR Garments Corporation.

Ayon kay Customs Commissioner Angelito Alvarez, nag-angkat ang Filhand ng makailang ulit sa pagitan ng Mayo 2006 at Enero 2008 ng mga raw materials para sa paggawa ng mga damit para sa kanilang kasamang ko0mpanya na Sports and Swimwear Manufacturing, Southern Atlantic, Square Gem at JDAR Garments Corp. sa ilalim ng Filhand na rehistrado sa Bureau of Customs bilang bonded manufacturing warehouse na may pribilehiyong mag-angkat ng mga materyales nang walang anumang babayarang duties at buwis subalit may kondisyung ang mga natapos o yari na produkto ay ie-export sa labas ng bansa, sa loob ng 90 araw.

Lumipas ang 90 araw at 30 araw pang palugit ay walang maipakitang dokumento ang FILHAND na nag-export ng mga produkto.

Ikinaila pa nito na may mga inangkat silang materyales at wala umanong idinidiliber sa kanilang mga bodega na nagpalala pa sa kanilang kaso.

Naniniwala si Alvarez na ang mga inangkat na materyales ay napunta sa mga lokal na garments manufacturers kung saan kumita ang mga nagbenta at bumili sa pamamagitan ng pamahalaan.

Sa kabila ng paniningil ng pamahalaan sa kumpanya ng buwis na nagkakahalaga ng P57.8  milyon ay hindi kinakitaan ang FILHAND ng anumang hakbang para bayaran ang kanilang pagkukulang. At dahil sa paglabag sa mga kasunduan sa warehousing privilege ng FILHAND, pinagbabayad ito ng P272 milyon, ang kabuuang halaga ng lahat ng kanilang kargamento na inangkat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply