Gates ng Manila City Hall ginawang smoking area

GINAWANG “smoking area” ang tatlong lugar malapit sa entrance gate ng Manila City Hall para mapagbigyan na makapanigarilyo ang mga smokers.

Nabatid na naglagay ng malalaking ashtray si Ric de Guzman, head ng Manila Anti-Smoking Task Force (MASTF), malapit sa entrance gate sa may Arroceros, Taft at Freedom Triangle matapos na atasan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim na maghanap ng lugar na puweeng idaos ng mga smokers ang kanilang bisyo.

Ayon kay de Guzman, gusto ni Lim na makatiyak na maipatutupad ang smoking ban sa City Hall.

Nauna nang nagbabala si Lim na walang sasantuhin ang kanyang anti-smoking policy sa loob ng City Hall kung saan maging ang mga department heads ay hindi exempted sa smoke ban.

Bukod pa rito, inatasan din ni Lim si City Security Force (CSF) chief, Major Bicolas Amparo  (ret.) na magtalaga ng mga CSF personnel na iikot sa City Hall para manita ng mga makikitang naninigarilyo.

Ang hakbang ng alkalde ay base sa City Ordinance No. 7748 na nagbabawal ng paninigarilyo sa mga lugar tulad ng mga ospital, public buildings, shopping malls, sinehan, bodega at iba pang pampublikong lugar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply