Gawing bayani si Pacquiao?

MAY panukala na gawing national hero ang pambansang kamao na si Saranggani Congressman, Manny Pacquiao. Dahil daw sa accomplishments nya at sa inspirasyon nya sa mga Pilipino.

Syempre may kumukontra, hindi pa daw pwede maging Jose Rizal si Manny.

Kasabay ng isyung ito ang usapin naman kay dating Pangulong Ferdinand Marcos. Isinusulong ni Congressman Sonny Escudero na payagan nang ilibing sa libingan ng mga bayani ang dating Pangulo.

Syempre pa ulit, maraming tumututol. Hindi daw bayani si Marcos dahil sa mga kwento ng pag-abuso sa karapatang pantao noong siya ang Pangulo. Napatanong tuloy ang ilan sa aking mga nakausap – ano ba ang depinisyon ng isang national hero. Kung hindi ako nagkakamali wala namang malinaw na batas na nagdedeklara o tumutukoy sa isang tao na sya ay isang bayani.

Ayon sa National Commission for Culture and the Arts, kahit para kay Dr. Rizal, na tinaguriang pinaka-pinagpipitagang bayani ay walang klaro at diretsahang deklarasyon ng kanyang pagiging national hero.

Ang posisyon ni Rizal sa ating sambayanan ay base sa patuloy na pagtingala sa kanya ng sambayanang Pilipino dahil sa kanyang kontribusyon sa paghugis ng ating lipunan.

Ang isang bayani daw ay hindi lamang magmumula sa isang kaganapan o isang pangyayari, mas malalim dapat ang impluwensya ng buong pagkatao ng isang bayani sa paghubog sa isang lipunan.

Ang bayani daw ay dapat may impluwensya sa kinabukasan ng isang lahi at may mabuting kontribusyon sa darating pang mga henerasyon.

Pero may duda na kung bakit pumasok ang usapin ng Pacquiao for a  national hero na may kinalaman sa ekonomiya ng bansa. Lahat ng tao idolo si Manny dahil sa kanyang rugs-to-riches story.

Ang kwento ng kayamanan ni Pacquiao, ng kanyang mga bahay dito at sa ibang bansa, mga mamahaling bags ng kanyang asawa at ina ay lagi nang laman ng mga balita. Kahapon lang napabalita na mamimigay daw si Pacquiao ng bahay at lupa. Isipin na lang, noon ay nagtitinda lang siya ng pandesal at kargador sa palengke.

Si Manny ang simbolo ng tagumpay, ang inspirasyon ng mga mahihirap at ang pag-asa ng hikahos na bansa. Pwede nga ba syang maging  national hero?

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply