Gems at Wizards target ang semis sa D-League

MATAPOS ang mahabang pamamahinga, puntirya ng Cebuana Lhuillier Gems at ng PC Gilmore Wizards ang semis slot sa PBA D-League Foundation Cup sa mga laro ngayong gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sasabak sa isang knock-out game ang Gems kontra sa Freego Jeans habang magbabanggaan ang Pharex Bidang Generics at ang PC Gilmore Wizards.

Tangan ng Gems ang 5-1 win-loss slate sa Group B at nabibiyayaan sila ng direktang pasok sa Final 4 bilang bonus incentive, subalit ang dehadong Freego Jeans ni Coach Leo Austria ay hindi dapat isa-isantabi  ang kakayahan dahil iba ang lakas na ipinapakita nila tuwing madedehado sa laban.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply