Gems vs NLEX sa 1st game ng best-of-3 finals

SISIMULAN na bukas, Martes, ang best-of-3 title match ng PBA D-League Foundation Cup sa The Arena sa San Juan City.

Masasabak ang NLEX Road Warriors ni coach Boyet Fernandez kontra Cebuana Lhuillier Gems ni head mentor Luigi Trillo sa unanag salpukan ng tatlong laban ng championship series.

Ipaparada ng Cebuana Gems ang kanilang pamabato na sina Pari Llagas at Alein Maliksi laban sa tambalan nina Calvin Abueva at Eric Salamat na inaasahan ng mga tagasubaybay na magiging balikatan.

Nakaiskedyul ang game No. 2 sa Hunyo 16, sa Ynares Sports Arena sa Pasig City at kung magkakaroon ng deciding game No. 3 ito ay paglalabanan sa Hunyo 21 sa Ynares Sports Arena.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply