‘Ghost patients raket’ sa PCSO, nabuko

NABUNYAG kahapon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang “ghost patients raket” dito sa ilalim ng mga nakaraang pamunuan ng ahensiya.

Sinabi ni Director Mabel Mamba ng PCSO, may nakita silang labing pitong kahon ng guarantee letters ng PCSO sa mga ospital para sa mga pasyenteng humingi sa ahensiya ng financial assistance.

Natagpuan umano sa opisina ng dating opisyal ng ahensiya na hindi muna binanggit ang pagkakakilanlan ng mga kahon kahon ng guarantee letters na ito na may kabuuang halaga na P300 million pesos.

Nang imbestigahan, lumabas na sampung porsiyento lamang sa guarantee letters ang nakapangalan sa tunay na pasyente na maliwanag na may alingasngas sa nasabing transaksyon.

Mayroon pa umanong guarantee letter na para sa pasyente na nakakapagtakang sumailalim sa tatlong major operations sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan.

Ayon kay Mamba, patuloy nilang iniimbestigahan ang opisyal na nakapwesto sa tanggapan kung saan nakita ang mga guarantee letters.

Ayaw ni Mamba na pangalanan ang dating PCSO official na ito pero tiniyak niyang mahaharap ito sa mabigat na kaso.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply