Kakaibang giant kabute pinagkaguluhan sa Guimaras

NAGKAGULO ang mga residente ng San Roque, Buenavista, Guimaras dahil sa kakaibang giant kabute na tumubo sa isang patay na puno ng mangga doon.

Ang nasabing kabute ay may lapad na isa’t kalahating talampakan at may taas na dalawang talampakan, higit na malaki kaysa sa karaniwang kabute.

Ikinamangha ng mga residente hindi lamang ang laki ng nasabing kabute kundi pati na rin ang kakaibang pagbuga nito ng usok.

Sa kwento ng isang residente na nagpakilala sa pangalang Manong Jojo, noong Abril nang una niya itong makita at ito ay kasinlaki pa lamang ng platito.

Patuloy na lumaki at dumami umano ang ibinubugang usok ng kabute kapag maraming tao sa paligid.

Dahil sa pinagkakaguluhan ang giant kabute, nagpasya ang punong barangay ng lugar na itago ito upang hindi na muna pagpiyestahan ng mga tao at saka na lamang anila ito ipasusuri.

Una nang naibalita na may giant kabute ring natagpuan sa Ilocos Norte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply