Gina Alajar sinampal si Marian!

SABI ay hindi naman daw sinasadya ni Gina Alajar ang malakas na sampal na pinakawalan nito kay Marian Rivera sa epic-serye nilang “Amaya” sa GMA-7.

Katuwiran ni Gina: “Dalawang eksena yung nasampal ko si Marian. Yung una, fake na sampal yun. Ni-rehearse pa namin yun. ‘Yung pangalawa ang medyo tumama sa kanya ng konti. Pero hindi naman malakas.”

“Nag-sorry naman ako sa kanya kasi hindi ko natantiya yung magiging impact kasi mabilis ang eksena naming yun,” tsika ng magaling aktres.

“Kapag may ganyang aksidenteng nangyayari sa set na hindi naman sadya, nagsu-sorry ako. Trabaho lang at walang personalan,“ dagdag pa ni Gina.

Samantala, kahit anong busy ni Marian ay hindi nito nakakaligtaang bigyan ng araw ang pagte-taping ng “Show Me Da Manny” sitcom nila ni Manny Pacquiao na napapanood tuwing Linggo sa GMA 7.

“Tulad din kasi ni Manny, wish ko rin na tumagal pa ang sitcom namin kasi isang pamilya na ang turingan namin sa show,” say ni Marian.

***

NAKAKITA na si Francine Prieto ng bahay na lilipatan at may buyer na rin ang ipinagbibili niyang townhouse.

Nangako rin siyang oras na maibenta na ang bahay ay bibigyan niya ng share ang tatlong kapatid, pati na ang kapatid na lalaki na madalas umaaway sa kanya.

Napagtanto ni Francine na malalaki na ang mga kapatid at panahon na para matuto ang mga ito na mamuhay nang solo.

Hindi ikinaila ng sexy actress na na-spoil ng kanilang namayapang ina ang kapatid na madalas na nang-aaway sa kanya at humihingi ng share sa bahay na ipinagbibili.

Plano rin ni Francine na makita ang half-sister na Norwegian. Vivian ang pangalan ng 15-year-old na half-sister niya sa father side.

Tulad din kasi ni Francine si Vivian na ulilang lubos na rin dahil kailan lang namatay ang Filipina mother nito. Gusto sana ni Francine na pauwiin sa Pinas si Vivian pero bawal pala sa batas ng Norway na umalis ng bansa ang mga menor de edad.

Sagot kasi ng gobyerno ng Norway ang pag-aaral at mga gastos ni Vivian hanggang sa umabot ito sa legal age. Kasalukuyang nakatira ang half-sister niyang Norwagian sa foster parents na kapwa mga Filipino na Norwagian citizen.

Matagal ding ipinaglaban ni Francine ang kaniyang inang may cancer na umabot pa sa puntong nanghingi siya ng tulong kung kani-kanino para madugtungan pa ang buhay ng inang malubha na ang cancer.

Ngayong ulilang lubos na ay tutulungan naman niya ang mga kapatid na mamuhay nang marangal.

***

IPINAGTAPAT sa amin ni JC de Vera na hindi siya pumayag na itapat ang “Ang Utol Kong Hoodlum” na pinagbibidahan niya with Jasmine Curtiz sa “Guns and Roses” na pinagbibidahan naman nina Robin Padilla at Bea Alonzo.

“Talagang hindi ako pumayag na itatapat ang TV series naming Utol Kong Hoodlum sa TV series ni Tito Robin. Bilang respeto na rin kay Tito Robin at talagang natatakot akong itapat ang first action TV series na ibinigay ng TV 5 sa akin sa TV series ni Tito Robin,” say ni JC de Vera.

Sabi pa ni JC, baka one of these days raw ay makasama at mapakiusapan daw nila si Robin na mag-guest sa TV series nila.

Paano raw siya magkakalakas ng loob na pakiusapan si Robin kung mangyayari ay pagtatapatin ang kani-kanilang TV series?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply