Ginang binugbog ng dating ka-live-in, todas

NAPATAY sa panggugulpi ang isang 27 anyos na ginang nang tumanggi ito na makipagbalikan sa dating live-in partner nito kagabi, Lunes, sa Sampaloc, Maynila.

Una nang isinugod sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si Mercy Jontilla y Rosete, 27, tubong-Biliran, Leyte dakong 9:30 p.m.

Subalit makaraang payagan ng makauwi sa naturang pagamutan, muli itong isinugod sa ospital bandang 12:15 a.m., araw ng Martes, ngunit binawian na ito ng buhay.

Ang pagkamatay ng biktima ay resulta ng multiple physical injuries secondary to mauling, dahil sa tinamong mga pasa sa kaliwang pisngi at mga gasgas sa tiyan.

Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na isang alyas “Larry,” dating live-in partner ng biktima, at umano’y driver ng pampasaherong jeep na biyaheng Lardizabal hanggang Tayuman sa Sta. Cruz, Manila.

Batay sa ulat na isinumite ni Detective Edmundo Cabal kay Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, 9:30 p.m. nang maganap ang pambubugbog sa bahay ng inuupahang kuwarto ng biktima sa nasabing lugar.

Bago ang nasabing insidente, dumating sa inuupahang silid ang suspek at sinabihan nito ang kinanakasama ng biktima na si Jerry Cayabyab, habang naglalaba sa loob ng banyo, para umano makapag-usap sila ng masinsinan ni Jontilla.

Pumayag naman umano si Cayabyab na lumabas at nagtungo muna ito sa kanyang kapatid sa hindi kalayuang lugar.

Ilang sandali pa lamang, nakarinig na ng mainitang pagtatalo sina Cayabyab.

Dito na rumisponde si Bertillo at nakita nito ang biktima na nakahandusay na walang malay, kaya agad din itong nagpatulong para isugod sa nasabing pagamutan, habang mabilis nakatakas naman ang suspek.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply