Ginang lamog sa hinihiwalayang ka-live-in

BUGBOG sarado ang isang magandang ginang makaraang paggugulpihin ng kanyang ka live-in matapos tangkang makipaghiwalay sa huli sa Quezon City, Martes ng umaga.

Pormal na nagreklamo sa himpilan  ng  Quezon City Police District  Station-3 ang biktimang si Manuela Alcano, 43, ng Pingkian 1, Tandang Sora Avenue Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Arestado naman ang suspek na si Ruel dela Peña, residente rin sa nasabing lugar.

Nauna rito, bandang alas 8:00 ng umaga nang komprontahin umano ng babae habang nasa loob sila ng kanilang bahay ang kinakasamang lalaki na gusto na niyang humiwalay dahil sa ginagawa nitong pagmamalupit sa kanya.

Dahil dito, nagalit ang suspek at walang awang pinagsusuntok ang babae na nagtamo ng mga pasa sa mukha at katawan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply